sobrang pagod ako nung araw na yun.
ang dami pang kalat sa bahay.
namalantsa ko eh.
medyo napuno lang siguro.
tao lang din naman ako … NAPAPAGOD.
nung gabi pag-higa ko ..
tumalikod ako sa mag-ama kong mahimbing ng natutulog.
di ko namalayan, tumulo na pala ang luha ko.
ang natatandaan ko lang,
iniisip ko kung kailan ko maisisingit ang pag-liligpit sa mga naplantsa kong damit pabalik sa aparador na dapat nilang pag-lagyan.
yun..
tapos, umiiyak na pla ko.
napagod nga ako.
tapos, naramdaman ko ang pag-dantay ng maliliit na daliring hirap akong putulan ng kuko lalo’t magalaw.
niyakap ako ni XID.. ng anak ko.
bakit?
naramdaman ba nyang pagod ako at umiiyak?
at paano nya nalamang ang pag-yakap nya ang makakapag- patahan sa akin ng gabing yun na pagod ako?
Tsk!
Bakit ba ako napagod ng araw na yun?
walang puwang ang pagod sa isang tulad ko dahil iyon ang nararapat kong gawin bilang isang masuwerteng INA at ASAWA.
Bilang ILAW ng aming tahanan.
buti na lang, NIYAKAP ako ni xid.
naisip ko bigla..
bukas na bukas din,
mag-dye- GEN. CLEAN ako ng bahay.
at OO.. mapapagod ulit ako.
at yayakaping muli ng anak ko..
at ang buong mundo ko ay sasaya..
at sa mga susunod pang bukas..
marami pa kong gawaing bahay na buong pusong gagawin.
at madami pang mga yakap ni xid ang aking matatamo bilang PREMYO.